BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Sabado, Agosto 27, 2011

Happy RNiversary!

Before lunch of Aug 27, 2010, my friend called me to inform that the nursing board exam results were out. And i can still remember how I reacted-- denial.

Me: "Weh di nga? San mo naman nakuha yan?"
Emma:"Eto oh may website"
M: "Akin na nga ung link" and as i clicked on that link i can feel my heart racing. "Sh*t kat, eto na yun, make or break day" Pag open nung window, Ctrl + F: "BAT WALA UNG PANGALAN KO?!" Scrolled up sa home page, boom! Result pala ng Accounting ang binigay sakin. So malamang wala talaga dun yung pangalan ko. I informed my friend about that cause we're still on the phone so she gave me another link. "Oh eto try mo, baka yan na yun" Sa isip ko, Lord please, do a miracle, sana makita ko ung pangalan ko.

Link! Click! Ctrl + F: Prayers answered! My name is there! And ang bilis ng emotions ko, naiiyak na nanginginig na di makapaniwala na sobrang saya. Mixed emotions. Tawag agad sa best friend para ipaalam na sa wakas, R.N. na kami; na pagkatapos ng 4 na taon at ilang buwan na pagsusunog ng kilay, nakuha rin namin ang 'tagumpay' ;) Pati Mama ko umiiyak sa tuwa, and si Papa, nakasmile ng wagas. Ang sarap sa pakiramdam,  I know I made them proud. Kulang nalang ipagsigawan na "Anak ko yan RN YAN!" And besides hindi naman sila masyadong masaya kasi may tarpaulin pa talaga ako sa bahay. :)

A year after that, asan naba tayo ngayon? Employed? Misemployed? Underemployed? Siguro karamihan satin nasa call center or volunteer nurse o di kaya nag- aaral ulit. Siguro napapaisip rin kayo minsan, was it really worth it? Sa dami daming nurse dito sa Pilipinas, kelan pa ba tayo mabibigyan ng chance?

My dear batchmates, mailap man ang pagkakataon satin sa ngayon, hindi naman siguro tayo habangbuhay  na Rest Nalang. Naniniwala ako na darating din ung chance natin at at the right time, siguro for now kailangan muna natin mag venture sa ibang bagay para malaman natin kung san tayo dapat. Habang hindi pa tayo nasa ospital, mamamaximize natin ung iba pang talento at abilidad na meron tayo. Diba nga Nurses are flexible? Kahit san mo ilagay, pwede ;)

At wag kayo magpapadala sa mga negative comments ng karamihan. Mas mabuti ng may trabaho na marangal at nakakatulong sa pamilya kesa sa tambay nalang. Wala mang allowance kasi volunteer, ayos na rin basta alam mo nakatulong ka. Core value of Nursing? Care :)

Proud padin ako na ikabit sa dulo ng pangalan ko ang mga letrang R.N.

Mabuhay RNs of Batch 2010! To God Be The Glory.


0 (mga) komento: